Wednesday, September 11, 2013

Sa kanya rin kasi magbu-boomerang Claudine Barretto, dapat mag-ingat sa binibitawang salita

AND SPEAKING of Claudine Barretto, sana’y inaayos din nito ang pagsasalita ng, “Ayoko na siyang pag-usapan. Hindi naman siya sikat!” referring to ex-hubby Raymart.

Nag-split lang hindi na sikat? Pa’no kung sila pa rin? Maririnig ba natin ‘yon kay Claudine?

Ang pinakamasaklap niyan eh, pa’no kung humirit naman si Raymart ng, “Baket, ikaw? Sikat pa rin ba?”

‘Di ba? ’Yung isang salita na pupuwedeng makalikha ng ingay o gulo, sana’y ‘wag nang ihayag, kasi, kahit ang ibang taong wala namang kinalaman sa kanilang relasyon ay pupuwedeng maghayag ng masakit na opinyon tungkol sa sinabing ‘yon ni Claudine.

Kaya esep-esep din.