Monday, March 30, 2020

Matteo Guidicelli heeds Manny Pacquiao's advice to drop fight with parents of Sarah Geronimo

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!


"Parehong-pareho talaga. Nagpakasal kami ni Jinkee, wala yung magulang ko kasi ayaw niya kay Jinkee."

Ito ang tinuran ni Senator Manny Pacquiao nang manghingi ng marital advice si Matteo Guidicelli sa kanya.

Nagkausap sina Manny at Matteo noong Linggo ng gabi, March 29, sa Facebook Live ng "One Voice Pilipinas" fundraiser para sa mga apektado ng COVID-19.

Diretsahang inihalintulad ni Manny sa karanasan nila ng asawang si Jinkee Pacquiao ang pagsubok na hinaharap ngayon ng newlyweds na sina Matteo at Sarah Geronimo.

Hindi tuwirang binanggit ng athlete-politician ang pangalan ng mga magulang ni Sarah na sina Divine at Delfin Geronimo.

Pero malinaw na nakarating kay Manny ang balitang tutol ang mga magulang ni Sarah sa pagpapakasal ng singer-actress kay Matteo.

Sa kaso ni Manny, ang ina niyang si Dionisia Pacquiao, o Mommy D, ang mahigpit na tumutol noon sa pagpapasakal ng boksingero kay Jinkee.

"What happened to you now, that's my experience. It happened to us, kami ni Jinkee before," ani Manny.

Tulad ng kina Sarah at Matteo, simple lang din daw ang naging selebrasyon ng kasal nina Manny at Jinkee 22 years ago.

Ayon kay Manny, "Yung magulang lang ni Jinkee ang nandoon. Nandoon mga relatives niya.

"Ang kasama ko, yung kapatid ko, isa. Wala na.

"Ayaw ng mama ko kay Jinkee noong araw pa."

TIME HEALS ALL WOUNDS

Pero hindi raw hinayaan ni Manny na magkasira sila ng kanyang ina.

Sinikap daw nila ni Jinkee na mapalapit si Jinkee kay Mommy D, kahit hindi maganda ang pakikitungo ng ina kay Jinkee.

Kuwento pa ni Manny, "Pero, later on nung nakita niya na masaya kaming pamilya, at nagkaroon na siya ng apo, yun.

"Unti-unti na niyang naintindihan na kailangan palang suportahan ang anak para maging masaya at maging masaya din ang magiging lola.

"Nakita niya na masaya ang pamilya namin.

"Ta's tinutulungan namin siya—kahit na hindi niya kami sinipot, nagagalit siya sa amin, nagagalit siya kay Jinkee, sa akin.

"E, we still love our mother and father, na maintindihan sana nila."

Pagpapatuloy ng senador na unang nakilala bilang Pambansang Kamao, "Later on, maintindihan naman nila na hindi naman sa habang buhay laging nandiyan sa poder nila ako nakatira, kami nakatira.

"Later on, maiintindihan din."

Nagpahiwatig din si Manny na tulad ng pinagdaanan nila ni Jinkee ay hihilumin ng panahon kung anumang sugat ang dulot ng pagtutol ng mga magulang ni Sarah kay Matteo.

Payo pa ni Manny, "Huwag lang natin awayin yung magulang natin."

Bilang pagsang-ayon sa payo ni Manny, singit ni Matteo, "Tama."
Patuloy ni Manny, "Kasi sa ayaw at sa gusto natin, iisa lang ang magulang natin.

"Kapag sila nawala, mahirap yun.

"Hindi ko rin naman sinasabi na maka-Mama ako, na Mama's Boy ako.

"That's our responsiblity. We should love our parents." Read more at https://www.pep.ph/

Jennifer Lopez impressed by TikTok video of Pinay dancer

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

International popstar Jennifer Lopez a.k.a. J.Lo has noticed one lucky Pinay dancer on social media!

On March 20, netizen Marianne Tubil uploaded a Tiktok video where she did a 30-second cover of J.Lo's dance number in the Super Bowl halftime show early this year.

Tagged as the #JLoTikTokChallenge or #JLoSuperBowlChallenge, the dance challenge is making its rounds on TikTok, an app designed for short-form videos on mobile.

Marianne revealed that she was prompted to do the challenge beause of a netizen who uses the handle @davvybaby.

Marianne then tagged J.Lo and dancer-choreographer Parris Goebel in her tweet.

On the same night that she uploaded the video, J.Lo was impressed by the cover of the Filipina dancer and retweeted the video.

J.Lo wrote in the retweet, "loveeeeee! [heart emoji]" 



Marianne is one of only two netizens who J.Lo recently noticed on Twitter. The other netizen uses the handle @SebiPapi, who hails from another country.

The #JLoTikTokChallenge took the entire TikTok community by storm in February 2020, the month when J.Lo performed with Shakira during the Super Bowl halftime show.

The Super Bowl halftime show took place on February 2, 2020 at the Hardrock Stadium in Hollywood.

The Super Bowl is the annual championship game of the National Football League, where halftime shows have become grand production numbers. 

Source: pep.ph