Maluha-luhang Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang umapela sa publiko na huwag na muna siyang husgahan sa pagsampa ng kasong plunder laban sa kanya sa Office of the Ombudsman ngayong Lunes, September 16, dahil sa diumano’y pagkasangkot niya sa P10-billion pork barrel scam.
"Ang hiling ko sa sambayanan, huwag kaming husgahan. Ipapaliwanag namin ito hanggang sa kahuli-hulihang detalye," ani Revilla sa mga reporter, sa ulat na lumabas sa GMA News Online.
Bukod sa kanya, dalawa pang senador ang sinampahan ng plunder—sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile.
Nang tanungin si Senator Revilla kung paano niya hinaharap ang kasong plunder laban sa kanya, ang himutok ng actor-turned-politician, “Ang sakit.”