Monday, September 9, 2019

Alex Gonzaga accused of cutting immigration line; tells her side of the story

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Inalmahan ni Alex Gonzaga, 31, ang paratang ng isang netizen na tinangka umano niyang unahan sa pila sa immigration ang isang buntis.

Nangyari ang palitan ng tweet ni Alex at ng isang netizen ngayong Lunes, September 9.

Nagsimula ito nang mag-tweet ang Kapamilya TV host-actress na na-late siya papuntang airport dahil sa matinding traffic sa may bandang Pasig City.

Kasama ni Alex ang kanyang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga.

Ang flight daw nila papuntang Japan ay 10 A.M dapat, pero hindi sila umabot.

ALEX ALLEGEDLY TRIED TO CUT THE LINE

Ngayong hapon, isang netizen ang nag-tweet ng screengrab ng Facebook post ng kaibigan niyang kapwa pasahero raw ni Alex sa immigration.

Kinastigo ng netizen si Alex dahil tinangka raw nitong unahan sa pila ang kaibigan niyang buntis.

Tweet ng netizen (published as is): “Shutanginamesh alex gonzaga kagaspangan ng ugali mo nagumpisa ka na naman wala ka patawad pati friendship ko.. nakakaloka ampotah!”

Narito naman ang Facebook status ng buntis na pasahero (published as is): “Alex Gonzaga just tried to cut me at the immigration queue. What’s with entitled Filipino celebrities lol."


Read more at pep.ph