Friday, October 18, 2013

60-year-old legendary singer Freddie Aguilar admits to dating 16-year-old girl

Marami ang naging curious sa batambatang ka-date ng legendary folk singer na si Freddie Aguilar sa 5th Star Awards for Music noong Linggo, October 13, sa Solaire Resort and Casino, Pasay City.

Tumanggap si Freddie ng Lifetime Achievement Award noong gabing iyon.


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Freddie sa backstage ng Solaire, matapos siyang mabigyan ng parangal, ay tinanong namin kung sino ang kasama niya.

"Yung kasama ko, girlfriend," pagkumpirma ni Freddie. "Yung kasama niyang buntis, girlfriend ng anak kong si Jeriko."

Ang 60-year-old singer na rin ang nagsabi kung ano ang edad ng kasalukuyang girlfriend niya.