Wednesday, April 8, 2020

Ellen Adarna looking for someone "more mentally stable than me"

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!


Ano ba ang hinahanap ni Ellen Adarna, 32, sa isang lalaki?

Ito ang tanong ng ilan niyang followers sa question-and-answer (Q & A) session ng aktres, via Instagram Story, ngayong Miyerkules, April 8.

Ayon kay Ellen, higit sa hitsura, mas gusto niya ang lalaking may isang salita at "more mentally stable than me."

Ito ang buong sagot ng sexy star:

“Now at 32. If he is a man of his word…and routine…

“Kevs na sa face, toes, hands and height. [big face with tears emoji]”

Dagdag pa niya, “And plus 100billion points if he's more mentally stable than me and he got his shit together.”

Ilang linggo na ang nakalilipas nang aminin ni Ellen na dumaan siya sa matinding depresyon na tumagal ng tatlong taon.

Nito ring Marso, ibinahagi ng aktres na sumailalim siya sa two-week mental training—Kokoro Program kung tawagin—upang malunasan ang kanyang kondisyon.




"LOVE CAN'T STAND ALONE"

Sumunod na tanong sa aktres: “Physically fit men but immature or fat but mature men?”

Walang pinili si Ellen.

Aniya, “Better alone than unhappy and unsatisfied.


Makahulugan din ang sagot ng aktres na may kinalaman sa pag-ibig.

Ang tanong: “best love advice."

Ang sagot: “love cant stand alone."


ELLEN’S LAST RELATIONSHIP

Ang pinakahuling nakarelasyon ni Ellen ay si John Lloyd Cruz, 36.

Nagtagal ang kanilang relasyon ng dalawang taon.

May anak sila, si Elias Modesto, na magdiriwang ng kanyang ikalawang kaarawan sa Hunyo.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2019, sinabi ng isang source na bago pa man ipagdiwang ni Elias ang first birthday nito noong June 2019 ay hiwalay na sina Ellen at John Lloyd.

Ayon pa sa source, co-parenting na lamang ang status ng dating magka-live-in.

May isa pang source ang nagsabing hindi na masakyan ni Ellen ang pagiging “too weird” umano ng aktor.

Lumabas naman sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, noong 2019, na nagising na lamang isang araw si Ellen na ayaw na umano niya sa aktor, kaya nakipagkalas ito.

Wala pa ring direktang pag-amin mula kina Ellen at John Lloyd tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Ngunit sinagot ni Ellen ang ilang netizens na nagtanong kung wala na sila ng dramatic actor.

Kung iintindihing mabuti ang sagot ng aktres, malinaw na wala na nga talaga sila.

Ganito ang tanong ng netizen (published as is): “I am curious what really happened why you and John Lloyd had fallen out…”

Sagot ni Ellen: “only god can answer this question.”




ELLEN FOCUSED ON MOTHERHOOD

Bagamat aktibo na muli si Ellen sa social media, nilinaw nitong isasantabi muna niya ang showbiz upang tutukan ang pagpapalaki sa anak.

“I don’t wanna say, like, forever, right?

“But, definitely, not in the next seven years,” paniniyak nito sa isang Facebook live interview noong nakaraang linggo.

Ipinagpapatuloy ngayon ni Ellen ang kanyang post-training pagkatapos makumpleto ang 14-day mental training sa Bali, Indonesia noong March.

Tatagal daw ng 100 days ang post-training, kung saan kailangan niyang isabuhay ang lahat ng kanyang natutunan sa ginawang Bali retreat.

Sumailalim sa Kokoro Program si Ellen dahil na-diagnose daw siyang may depression, anxiety, at post-traumatic disorder.

Nabanggit din ni Ellen na malaki ang naitulong ng program sa kanyang kondisyon.

Source: https://www.pep.ph

Lani Mercado goes viral for mistakenly calling coronavirus disease as ‘COVID-14’

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

- Lani Mercado has recently gone viral on social media for her online live video

- After sharing information regarding the COVID-19 situation of Bacoor City, Lani made a mistake

- She mistakenly referred to the coronavirus disease as “COVID-14” instead of “COVID-19”

- The incident immediately spread on social media and it became trending on Twitter with over 36,000 tweets

Actress-turned-politician Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla went viral on social media after she made an online live video regarding the coronavirus disease (COVID-19) situation in their area.

KAMI learned that in the last few seconds of her video, Lani committed a mistake and it became trending on Twitter and Facebook.

In her Facebook live video, Lani mistakenly referred to the coronavirus disease as “COVID-14” instead of “COVID-19.”

“Ako po si Lani Mercado-Revilla na nagsasabi po sa ating lahat na sama-sama, tulong-tulong laban po sa COVID-14," Lani said.

"Tayo po ay mag-Bayanihan. We heal as one. Maraming maraming salamat po sa inyo. Manatili po kayo sa inyong mga tahanan. Manalangin po tayo ngayong Mahal na Araw,” she added.

You may watch the video down:

Source: kami.ph