Sunday, June 21, 2020

Matteo Guidicelli's unboxing video, nag-trending sa Twitter at naka-22K dislikes

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!


JERRY OLEA

Pagkatamis-tamis ng ngiti ni Matteo Guidicelli sa kanyang unang "unboxing" video na in-upload noong Hunyo 2, sa kanyang eponymous YouTube channel na may 53K subscribers.

"Enjoy!" sabi pa ng mister ni Sarah Geronimo.

As of this writing, naka-326.7K views na ang video, at 2.5K ang nag-thumbs up na pahiwatig ng pag-e-enjoy.

Mas marami ang nag-thumbs down o nag-dislike...22K.

So far ay 4K na ang nagkomento.

Four minutes and four seconds ang tagal ng nasabing video, entitled UNBOXING PLAYSTATION PRO 1TB. (All caps. Ibig sabihin, ipinagsisigawan niya.)

May pa-trivia ang 30-anyos na si Matteo na ang first-ever Play Station niya ay PS1 noong 8 or 9 years old siya.

Ang kapatid niyang si Paolo ang kumumbinsi sa kanya na kumuha ng PS4.

Siya nga pala, ang live performance ni Kim Chiu ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" sa YT channel ng Wish 107.5 ay naka-8.3M views na mula nang ma-publish noong Hunyo 5.

So far, 246K na ang thumbs up (likes) nito, samantalang 653K ang thumbs down (dislikes).

GORGY RULA

Noong Hunyo 2 pa na-upload ang unboxing video ni Matteo, pero ngayon lang napansin, na ikinagalit ng mga mahilig mag-playstation at nakakaintindi nito.

Basta sinira raw kasi ni Matteo ang box kung saan nandoon ang warranty nito.

Sabi ni Matteo, hindi siya talaga magaling sa unboxing kaya nagkamali nga siya siguro roon.

Ayun! Mahigit 15k ang tweets at ika-25 na ito sa trending ng Twitter.

Nang pinanood ko ang naturang video, parang okay lang naman sa akin, kasi, wala akong alam sa PS.

Pero iba ang dating nito sa mga nakaintindi kaya katakut-takot na panlalait ang inabot niya.

Ang nakakaloka lang, nadamay pa ang pagsasama nila ni Sarah.

Merong nagsabing nai-imagine nila kung paano api-apihin ni Matteo si Sarah habang nasa kusina ito. Unfair naman yun.

Meron pang nagsabing parang tama raw si Mommy Divine. Nakakuha tuloy ng simpatiya si Mommy Divine dahil lang sa unboxing ng PS4.

Sa kabilang banda, sa mga napapanood natin sa mga artista sa kani-kanyang YT channel o vlog, doon na rin nakikita ang tunay nilang karakter.

Kayo na ang humusga.

NOEL FERRER

Kasama ko lang sina Matteo at Sarah sa surprise Zoom party sa dapat ninong nila sa kasal (at musical director) na si Louie Ocampo.

Ok na ok ang mag-asawa at sobrang maaliwalas at ang ganda ng mood nila, kaya I don’t think nakakaapekto sa kanila ang ganitong usapin ng netizens.

Nang batiin namin ang lahat sa grupo—tulad nina Senator Kiko Pangilinan, Martin Nievera, Gary Valenciano, Homer Flores, at iba pa—ng Happy Father’s Day, tinanong namin si Matt kung Happy Father’s Day na rin ba soon. Read more pep.ph