Tuesday, September 10, 2019

Gay icon Ricky Reyes speaks up about LGBT rights: "Lumugar lang sa tamang lugar, di ba?"

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Sa sunud-sunod na isyu na may kinalaman sa karapatan ng mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) community, nagbigay ng kanyang pananaw tungkol dito ang kilalang gay TV host at hair-salon tycoon na si Ricky Reyes.

Kinikilala bilang gay icon sa Pilipinas, sinabi ni Mother Ricky, 69, na dapat lumugar sa tamang lugar ang mga miyembro ng LGBTQ.

Saad niya, "Ako, this year, lahat ng LGBT, nilikom ko silang lahat.


“Sabi ko, tigilan ninyo ang kabaklaan. Huwag na kayong magbistida sa kalye kasi lalo lang tayong pagtatawanan ng tao. Okay?

“Dapat tumulong tayo sa kapwa para mahalin tayo ng mga tao.

“At lagi kong sinasabi, ang bakla, walang ibang makakaintindi kundi bakla lang talaga.

“Kahit sarili nilang nanay, kahit sarili nilang tatay, sasabihin, ‘A, mahal ka namin anak naiintindihan ka namin…’ Shit!

“Mahuli ka ng tatay mo kumu-kokak ka, sipain ka pa ng tatay mo, ‘Day! Di ba?

“Pero ang bakla, mahuli ka ng bakla na kumu-kokak ka, ‘Hoy, bakla, share ako, ha. Akin na ang number,’ di ba? Nagkakaintindihan."

Diin pa ni Mother Ricky, “Walang makakaintindi sa bakla kundi bakla lang.

“At ang affair ng mga bakla, dapat sa atin lang ‘yan. Huwag nating ipangalandakan sa tao.

“Bakit kailangan kong ipangalandakan sa madlang pipol, ‘Uy, intindihin mo nga ako, bakla ako.’

“Teka muna.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Mother Ricky sa charity event niya sa CHILD Haus nitong weekend.

ON COMFORT ROOM ISSUE

Bilang kilalang gay icon sa Pilipinas, ano ang reaksiyon ni Mother Ricky sa isyu ng trans woman na si Gretchen Diez na pinagbawalang gumamit ng comfort room para sa mga babae sa isang mall sa Quezon City?

Pahayag ni Mother Ricky, “Kung ikaw ay may nota, sa lalaki ka.

“Pag may kipay ka, sa babae ka.

“Finish. Yun lang yun.

“Nirerespeto kita bilang tao. Nirerespeto kita bilang bading.

“Pero lumugar tayo sa tamang lugar, di ba?

“Kung ikaw, babaeng-babae at hindi na mabubuking, e, di lumusot ka kung makakalusot ka.

“Pero kung hindi ka makakalusot, anong problema mo?”

Halimbawa nito ay ang trans man na si Jake Zyrus na sa CR pa rin daw ng mga babae pumapasok.

“Yeah, di ba?” pagsang-ayon ni Mother Ricky.

“Kung may kipay ka, girl ka. Kung may nota ka, hombre ka.

“Ganoon lang.

“Kung nagpaopera ka… kaso nga, ang bakla kahit operada na, kahit may kipay na, maski may boobs na, bakla pa rin ang utak, ‘Day.

“Saan ka nakakita, ‘Oy, may kipay na ako, o.’ ‘Uy, may boobs na ako.’

“May babae bang ganoon? Wala namang babaeng ganyan, di ba?”

Giit ni Mother Ricky, “Dyusko! Lumugar lang sa tamang lugar, di ba?

"Doon lang tayo, kasi meron naman tayong gay community.

“Bakit natin kailangan ng kung anu-ano, e, may gay pageant naman tayo?

“Bakit tayo pupunta sa mga lugar na pagpipilitan mo na girl ka, e, may bar naman para sa mga bading, di ba?

“Doon ka sa lugar natin. Bakit kailangan mong makipagsiksikan?”

SOGIE BILL

Nagbigay rin ng pahayag si Mother Ricky sa isinusulong na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill o Anti-Discrimination Bill sa Kongreso at Senado.

Saad niya, “Let it be na lang.

“Basta ang bakla, e, bakla maski ano ang gawin niyan...

“Ang bakla, gilingin ko man ‘yan, ang labas niyan, baklang hamburger!”

Tutol din si Mother Ricky sa same-sex marriage.

Paliwanag niya, “Ang kasal ay para lamang sa babae at lalaki.

“E, merong kasabihan sa Catholicism na sacrilege. Pambabastos sa relihiyon, huwag na.

“Ang pagpapakasal ay ibigay na natin sa babae at lalaki, di ba?

“Saka kung gusto ninyo ng union, e, di mag-union kayo.”

Pagbibigay-halimbawa pa niya sa sarili, “Bakit ako, I’m in a relationship for 40-plus years, but we never go out of our way, ‘Ay, kailangan naming magpakasal.’

“No more,” sabay iling niya.

“May kasabihan tayo, you never, never rock the boat if it is not broken.

“Pag maayos siya, go lang, di ba?

“So, bakit kailangang ipagsaksakan kung di naman magulo?

“E, pinagugulo mo lang ang mundo, di ba?”

FORTY-PLUS RELATIONSHIP

More than 40 years na ang relasyon ni Mother Ricky sa negosyanteng si Cris Aquino.

Never ba nilang napag-usapan ang tungkol sa kasal?

Umiling si Mother Ricky at sinabing, “Never.”

Sabi pa niya, “We have children.

“We have grown-up children. And they are good children.

“But we never talk about marriage, never.

“Sabi nga, you never rock the boat if it is not broken.”

Speaking of children, not even once na nagtanong ang mga anak niya sa relasyon nila ng kanyang partner?

Ayon kay Mother Ricky, “We have never talked to our children about our relationship.

“We have never talked to our children regarding who they are, what they are.

“What we give them is love.

“Ang mga bata—ke adopted ‘yan o tunay mong anak ‘yan—magrerebelde ang bata kapag walang nakitang pagmamahal sa loob ng bahay.

“Pag ang bahay punung-puno ng pagmamahal at respeto, hindi ‘yan pupunta sa labas at magtatanong, ‘Bakit ganito, bakit ganoon,' Di ba?

“Ang mga anak namin, lumaki ‘yan, for forty years, they have never witnessed us quarrel, not even once.

“Hindi sila nakakita na nag-away kami in front of my children.”

Naging faithful partner ba siya kay Daddy Cris?

“I am very faithful,” deklarasyon niya.

Source: https://www.pep.ph/news/