Saturday, November 9, 2013

MOMMY DIVINE walang angal sa relasyong SARAH-MATTEO, pero…

MERON na namang mala-king concert si Sarah Geronimo at magiging guests daw niya rito sina Regine Velasquez and Lea Salonga, among others.

Sinubukan daw ng producers na mai-guest si Matteo Guidicelli na matagal nang nili-link sa singer-actress pero hindi raw ito pumuwede.

But everytime na napag-uusapan ang concert ni Sarah, palaging isinasama ang pangalan ni Matteo – kung ito raw ba ay bigla na lang sisipot or what. In short, maliwanag na nagagamit ang pangalan ni Matteo sa promo ng concert niya. 

Natatawa na lang kami dahil hindi namin nariringgan ngayon ng pagpalag si Mommy Divine, ang istriktong ina ni Sarah, sa promo slant nila.

Normally kasi ay palaging may violent reaction ang nanay ni Sarah lalo pa’t mga lalaki ang naikakabit sa pangalan ng anak. Feeling ng nanay ni Sarah kasi ay ginagamit lamang nila si Sarah para pag-usapan.

Pero bakit ngayon – biglang tahimik ang ina ni Sarah? Dahil alam niyang this time ay kailangan na ng anak niya ng lahat ng klase ng tulong para lamang tauhin ang concert nito?

“Kung si Sarah lang, baka langawin ang show niya dahil sawang-sawa na ang mga tao sa style niya as a performer kaya kinuha nila ang malalaking pangalan like Regine and Lea.