Maluha-luhang Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang umapela sa publiko na huwag na muna siyang husgahan sa pagsampa ng kasong plunder laban sa kanya sa Office of the Ombudsman ngayong Lunes, September 16, dahil sa diumano’y pagkasangkot niya sa P10-billion pork barrel scam.
"Ang hiling ko sa sambayanan, huwag kaming husgahan. Ipapaliwanag namin ito hanggang sa kahuli-hulihang detalye," ani Revilla sa mga reporter, sa ulat na lumabas sa GMA News Online.
Bukod sa kanya, dalawa pang senador ang sinampahan ng plunder—sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile.
Nang tanungin si Senator Revilla kung paano niya hinaharap ang kasong plunder laban sa kanya, ang himutok ng actor-turned-politician, “Ang sakit.”
Samantala, tila hindi naman natitinag si Senator Estrada sa isyung ito nang harapin ang media sa isang press conference.
"Nais ko pong ipaalam sa inyo [na] nakahanda akong harapin lahat ng mga bintang at paratang laban sa akin.
"Ako po ay walang kinalaman sa anumang katiwalian sa PDAF [Priority Development Assistance fund]," ani Estrada sa binasang prepared statement niya.
Ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang nagsampa ng kaso laban sa tatlong senador, sa harap ng Office of the Ombudsman, dahil nakinabang umano sila sa kontrobersiyal na P10-billion PDAF scam.
Samantala, kaninang umaga ay sinabi ni Senator Tito Sotto na isinugod sa ospital si Senator Enrile sa ospital noong Sabado, Setyembre 14, dahil sa high blood pressure.
Samantala, sinampahan na rin ng mga kaso ang sinasabing utak ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles.
Kasong plunder, malversation, and corruption of public officials ang isinampa laban kay Napoles.
Kabilang din sa sinampahan ng reklamong plunder ay sina former congressman and incumbent Masbate Governor Rizalina Lanete at former Association of Philippine Electric Cooperative (APEC) party-list Representative Edgar Valdez.
Kinasuhan din ng malversation, direct bribery, at iba pang graft and corruption practices ang mga sumusunod:
- former Rep. Rodolfo Plaza
- former Rep. Samuel Dangwa
- former Rep. Constantino Jaraula
- Atty. Jessica Reyes - Enrile's staff
- Atty. Richard Cambe - Revilla's staff
- Ruby Tuason - representative of Enrile and Estrada
- Pauline Labayen - Estrada's staff
- Jose Sumalpong - chief of staff of Lanete
- Jeanette Dela Cruz - district staff of Lanete
- Erwin Dangwa - chief of staff of Dangwa
- Carlos Lozada - Dangwa's staff
INVESTIGATION CONTINUES. Nagbigay naman ng reaksiyon ang Malacañang hinggil sa pagsasampa ng mga kaso laban sa ilang pulitiko at mga staff nila.
Source: www.pep.ph
No comments:
Post a Comment