Thursday, January 3, 2019

Anne buntis na nga ba sa panganay nila ni Erwan?

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Usap-usapan sa social media ang litrato ni Anne Curtis kasama ang asawang si Erwan Heussaff at kapatid nitong si Solenn Heussaff. Nagtatalo ang mga netizens kung buntis na nga ba ang TV host-actress.


Nag-post si Solenn sa kanyang Instagram account ng photo nilang tatlo na may caption na, “A good start.” Makikita sa litrato na nakahawak si Erwan sa tummy ng asawa. Ang comment ng ilang followers ni Solenn, buntis na raw si Anne.

Napansin din ng marami na tila lumaki nang bahagya ang tiyan ng aktres kaya posibleng nagdadalang-tao na ito.

Pero sabi naman ng isang netizen, mukhang false alarm ang pagbubuntis ni Anne dahil may hawak daw itong wine.

Read more: bandera.inquirer.net

No comments:

Post a Comment