Thursday, July 4, 2019

Matteo Guidicelli says he had goosebumps on second meeting with President Duterte

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Nakadaupang-palad muli ni Matteo Guidicelli si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu, kahapon, July 3.

Si P2Lt. Matteo ay reservist ng Philippine Army at kakatapos lamang niya ng scout ranger training sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan, noong June 27.


Nasa Sulu si Matteo dahil sinamahan niya ang commanding general ng Philippine Army na bumisita sa mga sugatang sundalo roon at sasalubong din sa pagdating ni Pangulong Duterte.

Sa kanyang Facebook ngayong hapon ng Huwebes, July 4, sinabi ng Kapamilya actor na labis ang kanyang paghanga sa Presidente dahil nakita niya kung paano nito sinuportahan at minahal ang ating mga sundalo.
Saad ng 29-year-old Kapamilya star: “Yesterday July 3, 2019 — I had the honor and privilege of accompanying The Commanding General of the Philippine Army LT Gen Alberto to visit our troops in Jolo, Sulu.

“I personally witnessed President Duterte award medals to our wounded soldiers that were victims of the bombing incident.

"'I salute you!' The president said to each wounded soldier.

"I have to be honest and say I had goosebumps!

"The love, support and respect he gives to our men and women in uniform is beyond words."

Unang nakausap ni Matteo si Pangulong Duterte noong Abril, ilang araw pagkatapos niyang magpa-enlist sa Army Reserve Command (ARESCOM) ng Philippine Army.

Bukod sa pagiging Army Reservist, sumali rin si Matteo siya sa Philippine Coast Guard Auxiliary. 

Source: https://www.pep.ph

No comments:

Post a Comment