Frankie Pangilinan answers netizens who criticized her for being rich
SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE
IT'S FREE!!!
Hindi inasahan ni Frankie Pangilinan, 19, na makatatanggap siya ng pambabatikos dahil sa simpleng paghanga niya sa pagkapanalo ng Korean film na Parasite bilang Best Picture sa Oscars 2020.
Itinuturing itong historical win dahil first time sa 92 years ng Academy Awards na isang Asian at non-English film ang nakatanggap ng pinakamataas na karangalan sa isang prestihiyosong U.S.-based award-giving body.
Tinalo ng Parasite sa Best Picture category ang Hollywood films na Joker, The Irishman, Once Upon A Time in Hollywood, Marriage Story, Little Women, Ford v Ferrari, at Jojo Rabbit.
Bukod sa Best Picture, nanalo rin ang Parasite sa tatlo pang kategorya: Best Director, Best Original Screenplay, at Best International Feature Film.
Ani Frankie, malaking ambag ito sa pagsulong ng galing ng mga Asyano sa mundo kunsaan nangingibabaw ang "colonial mentality/western idealization."
Si Frankie ay panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta sa second husband nitong si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.
Tweet ni Frankie: "THIS IS FOR THE ASIAN KIDS WHO CAN GROW UP WITHOUT THJNKING THEY HAVE TO WHITEWASH THEMSELVES SOMEHOW.
"THIS IS THE VALIDATION WE DIDNT NEED BUT ALSO SADLY DESPERATELY WANTED.
"THIS IS A WIN."
May ilang netizens ang kumontra sa opinyon ni Frankie.
Isa rito ang diretsahang tumabla kay Frankie.
Ayon sa netizen, wala raw sa posisyon ang anak ng Megastar na magsalita tungkol sa isyu ng diskriminasyon, partikular na sa mga taong nagigipit, dahil sa kanyang estado sa buhay.
Ang tema kasing tinalakay sa Parasite ay tungkol sa malaking gap sa pagitan ng mga mayayaman at mga nasa laylayan.
Ano raw ba ang alam ni Frankie sa hirap gayong laki ito sa yaman?
Sabi ng netizen (published as is): "coming from you??
"kung tutuusin kung may comparison, yung pamilya na mayaman sa parasite parang kayo din ng pamilya mo.
"so ano punto? hahahahah"
MORE THAN JUST A RICH KID
Dinepensahan ni Frankie ang sarili laban sa batikos ng netizen.
Hindi raw porket galing siya sa marangyang pamilya ay bulag siya sa mga problema sa lipunan.
Pahayag ni Frankie (published as is): "bold of u to assume i wouldn’t stab myself first in this crippling guilt over something i had no control over and cannot change tho
"look the guilt eats away at me everyday and i cant do anything about it rn but i do know it’s pushing me and i promise i’m working hard and doing my best to make myself not be a waste of the advantages i was born into.
"i don’t know how to apologize for that. but sorry anyway."
Isa pang netizen ang nagtanong kung naiintindihan ba talaga ni Frankie ang hirap na pinagdadaanan ng mga nasa laylayan, gayong sa ibang bansa raw naninirahan ang dalaga.
Kasalukuyan nakabase sa New York si Frankie para mag-aral ng kolehiyo.
Sabi ng netizen (published as is): "however you also said 'grow up thinking they have to whitewash'...
"but you're literally studying in new york...
"but anyway i still think you're cool, keep being self aware"
Sagot ni Frankie, aminado siya sa marangyang buhay na tinatamasa niya gawa ng kinagisnang pamilya.
Pero pinili raw niyang mag-aral sa ibang bansa para matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.
"i regret not being home every single day psad face] i know studying in ny reeks if privilege but the truth is me studying back home would've just likewise kept me in a bubble of advantage.
"here im alone.
"lots of growth happening that wouldn't have otherwise happened."
Read more at: pep.ph
No comments:
Post a Comment