Saturday, May 30, 2020

Pepsi Paloma, buhay pa rin sa alaala ng publiko 35 taon pagkatapos pumanaw

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

May 31, 2020, ang ika-35 taong anibersaryo ng pagkamatay ng sexy star na si Pepsi Paloma.


Noong May 31, 1985, winakasan ni Pepsi ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa apartment na inuupahan niya sa 52-D Iriga Street, Sta. Mesa Heights, Quezon City.

Eighteen years old lamang noon si Pepsi.

Tinawag na kaso ng "Stella Strada Syndrome" ang pagpapakamatay ni Pepsi.

Nagbigti rin sa sarili noong December 28, 1984 si Stella Strada, ang top sexy star ng Seiko Films noong early '80s.

Seventeen years old lang si Stella noon.

Nagkasunud-sunod ang mga kaso ng pagpapatiwakal matapos kitilin ni Stella ang sariling buhay—limang buwan lang ang pagitan sa pagpanaw ng dalawang batang sexy stars—kaya tinawag ito noon ng media na Stella Strada Syndrome.

Stella Strada

"Walang nagmamahal sa akin"—ito ang nakasulat sa suicide note na iniwan ni Stella.

"Hindi ko alam kung itinuturing akong tunay na anak ng nanay ko"—ito naman ang nabasa ng mga imbestigador sa diary ni Pepsi.

PEPSI'S FORMER LEADING Man

Ang former actor na si Gil Guerrero ang isa sa mga kaibigan ni Pepsi na hindi nakakalimot sa kanya.

Si Gil ang nagkuwento sa Cabinet Files nitong Biyernes ng gabi, May 29, tungkol sa pag-umpisa ng showbiz career ni Pepsi.

Then and Now: Gil Guerrero

Sina Pepsi at Gil ay kapwa discoveries ng talent manager at optometrist na si Dr. Rey Dela Cruz.

Pagbabalik-tanaw ni Gil, na 64-anyos na ngayon, "May ginawa kaming pelikula ni Pepsi noong 1981, yung Brown Emmanuelle.

"Ako ang leading man nila ni Myrna Castillo, at si Celso Ad Castillo ang direktor. Love triangle kami nina Myrna at Pepsi.

"Nakasama ko rin si Pepsi sa The Victim [1982], ako ang leading man niya." Read more at MSN

No comments:

Post a Comment