Saturday, November 9, 2013

MOMMY DIVINE walang angal sa relasyong SARAH-MATTEO, pero…

MERON na namang mala-king concert si Sarah Geronimo at magiging guests daw niya rito sina Regine Velasquez and Lea Salonga, among others.

Sinubukan daw ng producers na mai-guest si Matteo Guidicelli na matagal nang nili-link sa singer-actress pero hindi raw ito pumuwede.

But everytime na napag-uusapan ang concert ni Sarah, palaging isinasama ang pangalan ni Matteo – kung ito raw ba ay bigla na lang sisipot or what. In short, maliwanag na nagagamit ang pangalan ni Matteo sa promo ng concert niya. 

Natatawa na lang kami dahil hindi namin nariringgan ngayon ng pagpalag si Mommy Divine, ang istriktong ina ni Sarah, sa promo slant nila.

Normally kasi ay palaging may violent reaction ang nanay ni Sarah lalo pa’t mga lalaki ang naikakabit sa pangalan ng anak. Feeling ng nanay ni Sarah kasi ay ginagamit lamang nila si Sarah para pag-usapan.

Pero bakit ngayon – biglang tahimik ang ina ni Sarah? Dahil alam niyang this time ay kailangan na ng anak niya ng lahat ng klase ng tulong para lamang tauhin ang concert nito?

“Kung si Sarah lang, baka langawin ang show niya dahil sawang-sawa na ang mga tao sa style niya as a performer kaya kinuha nila ang malalaking pangalan like Regine and Lea. 



Wala na kasi siyang gaanong box-office appeal kaya kailangan na niya ng malalaking support kaya kinuha nga sina Regine and Lea.

“Pag pumatok ang show, dapat ay i-credit din nila kina Regine at Lea ang success nito. Kung talagang sikat pa si Sarah, sana small names na lang ang kinuha nila para pang-support lang sa kaniya.

At hindi pa sila nakuntento, ginagamit pa nila si Matteo para lalong pag-usapan ang show. Surprise kuno pero halata namang pilit nilang pararatingin ang binata para lalong maging exciting ang event nila.

Lumang style na iyan, oy!” anang isang buwisit kay Sarah. Or di kaya umabot sila sa point na paaminin na ang dalawa para lalong mag-sizzle ang namesung ni Sarah?

Malaking factor para sa ikatagumpay ng show kung magkaaminan ang dalawa bago mag-show at bigla na lang darating sa concert si Matteo as a major surprise kay Sarah.

Iyon ay sapantaha lang naman namin. Ha-hahaha! Kami naman, we are for Matteo dahil love namin ang batang ito. Kung talagang mahal niya si Sarah, wala naman kaming magagawa.

Bakit naman namin pipigilin kung sino ang napupusuan niya? Pero huwag lang magkamali si Mommy Divine na bastusin si Matteo at makakatikim siya sa amin. Love namin ang batang ‘yan – since birth, Mommy Divine kaya kuwidaw ka, ha! Ha-hahaha! Magbanta ba talaga. Charrrozzzzzz!!!

Source: http://bandera.inquirer.net
( Photo credit to Google )

No comments:

Post a Comment