Thursday, May 7, 2020

Acclaimed director Peque Gallaga dies at 76

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Pumanaw na ang premyadong direktor na si Peque Gallaga nitong Mayo 7, Huwebes ng umaga.
Binawian ng buhay si Direk Peque, Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga sa totoong buhay, sa Riverside Medical Center sa Bacolod City.


Mga kumplikasyon sa kanyang heart condition ang ikinamatay ng direktor.

Siya ay 76 anyos. 

Ayon sa maybahay ni Direk Peque na si Madie Gallaga, noong Mayo 4, Lunes, na kausap niya si Direk ay hindi na ito makapagsalita. 

Batid ni Madie na handa nang mamatay ang asawa, at aware si Direk Peque na bumibigay na ang kanyang katawan.

Kabilang sa mga di malilimutang pelikula na idinirek ni Direk Peque ang Oro, Plata, Mata (1982), Scorpio Nights (1985), Tiyanak (1988), Aswang (1992), Darna: Ang Pagbabalik (1994), Magic Temple (1996), Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999), at Sonata (2013).

Karamihan sa mga pelikulang ito ay katuwang niya sa pagdidirek si Lore Reyes.

Marami rin sa mga pelikula niya ay kabahagi si Direk Peque sa pagbuo ng screenplay.

Nag-artista rin siya sa mga pelikulang gaya ng Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Lucio & Miguel (1992), Jose Rizal (1998), Enteng Kabisote 4 (2007), at Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010). 

Bago naging direktor ay nagtrabaho siya bilang production designer. 

Nagwagi sa Gawad Urian ang production design nila ni Laida Lim Perez para sa pelikulang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976), at ang production design niya para sa City After Dark (1980) aka Manila By Night. 

Pinarangalan si Direk Peque sa International Film Festival of Flanders-Ghent noong 1983 sa Belgium, at sa 2004 Gawad CCP Para sa Sining.

Read more at https://www.msn.com/

No comments:

Post a Comment