Friday, October 18, 2013

60-year-old legendary singer Freddie Aguilar admits to dating 16-year-old girl

Marami ang naging curious sa batambatang ka-date ng legendary folk singer na si Freddie Aguilar sa 5th Star Awards for Music noong Linggo, October 13, sa Solaire Resort and Casino, Pasay City.

Tumanggap si Freddie ng Lifetime Achievement Award noong gabing iyon.


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Freddie sa backstage ng Solaire, matapos siyang mabigyan ng parangal, ay tinanong namin kung sino ang kasama niya.

"Yung kasama ko, girlfriend," pagkumpirma ni Freddie. "Yung kasama niyang buntis, girlfriend ng anak kong si Jeriko."

Ang 60-year-old singer na rin ang nagsabi kung ano ang edad ng kasalukuyang girlfriend niya.



"Yung gf ko, ano... sixteen nga lang siya, e," sabi niya.

Kuwento pa ni Freddie, "Hindi ko alam na sixteen siya noong niligawan ko.

"Nung malaman ko, sabi ko, 'Andun na, e. Ano pa ang magagawa ko?'

"Aatras ka ba noon, e, na-in love na, e?"

Hindi na pinabanggit ni Freddie ang pangalan ng kanyang 16-year-old girlfriend.

Ano ang sinabi ng mga magulang ng kanyang batang kasintahan?

Sabi ni Freddie, "Yung mga magulang niya, tanggap na rin siguro.

"Sabi lang daw sa kanya, 'Mag-ingat ka diyan, babaero daw 'yan!'

"Mag-iingat ako, kasi kung may magrereklamo, alam mo na, baka may magkatuwaan.

"Pero yung consent ng mga magulang, nasa akin."

AGE GAP. Lumalabas na 44 na taon ang agwat ng edad ni Freddie sa kanyang girlfriend. Hindi kaya maging problema ito sa takdang panahon?

Sagot ng singer, na nagpasikat ng kantang "Anak," "Actually, ang maganda sa kanya ay she's trying na bumagay sa akin.

"Ako naman, bumababa ako sa level niya. Halimbawa, gusto niyang mag-Jollibee, sasamahan ko siya doon.

"Minsan naman, gusto kong mag-fine dining, sasama naman siya sa akin.

"Gusto niyang mag-sine, kahit di ako mahilig mag-sine, sasamahan ko siya. Pero grupo kami."

Hindi ba siya nangangamba na mapagsabihan siyang "cradle snatcher"?

Tugon ng music legend, "Nasabihan na akong ganyan dati.

"Di ba, doon sa third wife ko? She was only seventeen nang maging girlfriend ko rin.

"Hindi ko napigil na may nagsulat, kaya sabi ko, wala pa akong nabasa sa dictionary na ang meaning ng love ay you have to look for the same age as you are. Walang nakalagay doon.

"Walang love means na dapat pareho kayo ng religion o pareho kayo ng estado o magkababayan kayo... walang ganun."

Dahil medyo maselan ang topic, ipinagpaalam namin kay Freddie kung maaari naming isulat ang tungkol dito.

Aniya, "Okay naman. Kaya lang, baka kung anu-ano na naman ang maging ciriticism sa akin.

"Pero, na-in love ako, what can I do?"

Mahilig yata siya sa mga dalagita?

Paliwanag ni Freddie, "Hindi naman... they tend to like me also.

"Nagtataka nga ako, kasi ang naa-attract kong followers sa kababaihan ay it's either mas matanda sa akin o mas bata. Walang gitna, e.

"Parang, nagugulat nga ako, kapag nata-traffic ako noong hindi pa masyadong tainted ang car ko, may pupuntang mga bata tapos kakantahin ang mga kanta ko.

"Nakakatuwa, kasi sabi ko, hindi pa nga ipinanganak ang mga ito," noong sumikat ang kanyang mga kanta, ang ibig sabihin ni Freddie.

"Parang dinadagdagan ang lakas ko na..."

WEDDING TALKS. Handa bang pakasalan ni Freddie ang girlfriend niya ngayon?

"Oo naman, oo naman!" bulalas niya.

"Pero sa ngayon, hindi pa kami puwede."

Dito sa Pilipinas, ang mga nasa edad na 18 hanggang 21 ay kailangang mayroong parental consent bago magpakasal. At dahil 16 pa lang ang girlfriend ni Freddie ay hindi pa ito maaaring ikasal.

Dagdag ni Freddie, "Hindi pa namin pinaplano.

"But we're talking about having a baby. Yun ang pinag-usapan namin.

"Sabi ko sa kanya, 'Parang ang bata mo pa para magka-baby.'

"Sabi naman niya, 'Hindi, gusto kong magka-baby, e.'

"So, we're talking about it.

"Pero sabi ko sa kanya, gusto ko lalaki, para tigil na rin ako.

"Kung kaaawaan ng Diyos na makabuo kami ng baby, pampitong anak ko na ito.

"Pag lalaki siguro, tigil na rin ako.

"Pero ewan ko sa kanya, baka may plano siyang iba na kung ilan ang gusto niya."

After confirming the relationship status with his minor lover, 3 sets of photo of the singer and Freddie Aguilar's girlfriend was leaked by some anonymous user in the internet.

The scandal photo shows Freddie Aguilar and girlfriend kissing and sharing love moments together.

Meanwhile, A facebook user named Hearts Switchmes, whom we assume to be the girlfriend of Freddie Aguilar reacted and commented on the issue. As of this posting, We still getting enough information if the user is really the girlfriend of Freddie Aguilar

Age doesnt matter. hindi po ito tungkol sa pera,kasikatan,kalibugan at kung ano ano pa. Lahat tayo binigyan ng karapatan na magmahal. May kanya kanya po tayong buhay,kung may mali man kame na nagawa,sa diyos po kame dapat managot,hindi sa batas at sa mga taong mapanghusga. 16 years old? hindi napo ito pagiging bata. Depende nato kung pAno dinadala ng isang tao ang kanyang edad, bakit yung mga 15 years old na naging ina hindi nyo pinag usapan. Sorry nalang ako,dahil ipinanganak ako na hindi kasabay ni freddie,pero pasalamat ako dahil huli man ako binigyan kame ng pagkakataon ng panahon na magkakilala. Marami akong natutunan ng makilala ko sya,marami akong naintindihan sa mundong to na nuon hindi ko maintindihan. Masaya po ako sa buhay ko ngayon,hindi ko to pinagsisisihan. Hindi po ako nasasaktan sa mga komento ng iba,nasasaktan ako sa realidad na isang araw dahil sa isyo nato mawala ang relasyon na nagbigay ng kulay sa buhay ko bilang isang 16 years old na bata. Mahal ko sya. mahal ko sya. mahal ko sya! paulit ulit kong sasabihin MAHAL KO PO SYA. HINDI AKO PAPATINAG SA SINASABI PO NG IBA,MAHAL KO SYA AT ANG LAHAT NG NAKITA NYO AT NABASA NYO,SAPAT NG PATUNAY.



Source: frankzamazing.info

No comments:

Post a Comment