Toni and Alex Gonzaga, Robin Padilla draw flak after showing support for ABS-CBN
SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE
IT'S FREE!!!
Na-bash ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at ang aktor na si Robin Padilla matapos silang magpahayag ng kalungkutan sa nangyaring ABS-CBN shutdown.
Kapwa Kapamilya talents sina Toni, 36, at Alex, 32.
Magkasama ang magkapatid sa weekly sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.
Ilang taon namang naging Kapamilya star si Robin, 50.
Sa ABS-CBN huling gumawa ng TV series ang aktor, ang Sana Dalawa Ang Puso, noong 2018.
Sa kani-kanilang Instagram post nitong Martes, May 5, nakisimpatiya sina Toni, Alex, at Robin sa pagpapasara sa lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN.
Pero sa halip na pagdamay ang natanggap mula sa netizens, tinawag na "enabler," "plastic," "DDS," at "hypocrite" ang tatlo.
Ang DDS ay nangangahulugang "die-hard Duterte supporters."
Sina Toni, Alex, at Robin ay mga kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi maiwasang iugnay sa Pangulo ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa broadcasting unit ng ABS-CBN nitong Martes.
Ilang beses kasing nagbanta ang Presidente na haharangin niya ang pagbibigay ng panibagong 25-year franchise to broadcast sa network.
Pero ang pagkakapaso ng prangkisa ng ABS-CBN nitong Lunes, May 4, ang basehan ng NTC sa pag-iisyu ng cease-and-desist order laban sa kumpanya.
Bigo kasi ang Kamara na kaagad matalakay ang 11 franchise renewal bills para sa network na hanggang ngayon ay nakabimbin sa Lower Chamber.
TONI: "NAGSARA ANG AMING TAHANAN"
Kasunod ng pagpapatigil sa broadcast operations ng ABS-CBN, nagpahayag ng suporta si Toni para sa kanyang home network.
Ayon sa actress-TV host, "most heartbreaking" para sa kanyang masaksihan ang shutdown ng kumpanya na pinangarap niyang pagtrabahuhan.
Post ni Toni: "It was my biggest dream to work here.
"Watching it shut down today is the most heartbreaking thing to witness."
Sinabi ni Toni na patuloy siyang magdadasal para sa network, na tinawag niyang "aming tahanan."
Pagpapatuloy ng post ni Toni: "For the many dreams you have fulfilled and the many people you helped, we will continue to pray for our home network.
"Mga kapamilya, ngayong araw nagsara ang aming tahanan...#istandwithabscbn. [broken heart, praying hands emojis]"
Read more at msn
No comments:
Post a Comment