Coco Martin running for senator in 2022?
SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE
IT'S FREE!!!
"Mas madali ang trabaho ng senador."
Ito diumano ang payo ni Senator Lito Lapid kay Coco Martin nang bumisita ang ABS-CBN superstar sa kanyang opisina noong June 9.
Ayon ito sa beteranong manunulat na si Lito Banayo sa kanyang "SO I SEE" column sa Manila Standard kahapon, June 15.
Dagdag ni Banayo, chairman ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan, may source siyang nagsabing pinag-usapan daw ng dating Ang Probinsyano co-stars ang buhay ni Coco sa labas ng showbiz.
May mga kaibigan daw ang aktor na nag-uudyok sa kanyang tumakbo bilang mayor sa 2022.
Pero payo raw ni Lapid, para sa pagkasenador ang takbuhin ni Coco.
Ayon pa sa source ni Banayo, sinabi raw ni Lapid kay Coco na, "Mas madali ang trabaho ng senador."
Nauna nang nabalita na tungkol sa primetime series niyang Ang Probinsyano ang pakay ni Coco sa pagdalaw kay Senator Lapid.
Ayon sa senador, sisikapin niyang maging consultant director ng teleseryeng kinabibilangan dati.
Humingi rin daw ng payo si Coco para sa mga bagong twists ng Ang Probinsyano ngayong nakabalik na ito sa primetime television.
Kahit priority ng senador ang trabaho sa Senado, sisikapin daw niyang maging consultant director ng serye.
Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang malapit kay Coco tungkol dito, pero hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.
ANG PROBINSYANO BACK ON AIR
Matapos ang halos tatlong buwang pagkawala sa ere, napanood nang muli ang Ang Probinyano at iba pang shows ng ABS-CBN.
Gamit ang bagong cable channel na tinawag nilang Kapamilya Channel, nagbalik sa ere ang ilang shows ng network na apektado sa pagsasara ng ABS-CBN noong May 5, 2020.
Kasalukuyan pang dinidinig sa Kongreso ang franchise renewal bills para sa istasyon.
Samantala, deactivated pa rin hanggang ngayon ang Instagram account ni Coco.
Source: pep.ph
No comments:
Post a Comment