Saturday, September 21, 2019

JM de Guzman faces frustrated murder complaint; actor's camp reacts

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Nahaharap sa reklamong frustrated murder ang Kapamilya actor na si JM de Guzman sa Quezon City Prosecutor's Office.

Inihain daw ang nasabing reklamo ng real estate broker na si Pitt Norman Zafra.


Nag-ugat ang reklamo sa diumano’y pambubugbog daw ni JM at kaibigan nitong foreigner kay Zafra noong May 7, 2019, sa isang restobar sa Quezon City.

Batay sa naunang imbestigasyon ni P/SSgt. Genaro Diego ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang insidente ay naganap dakong alas-8:45 ng gabi sa loob ng Flying House Resto Bar na matatagpuan sa No. 10-B Malingap St., Brgy. Teachers Village West, Quezon City.

Noong May 12, 2019, nag-post sa Instagram si JM at mariing itinanggi ang paratang laban sa kanya.

Nakalagay sa post niya na, “Who’s hiding?” na may kasamang hashtags na #solidevidence #youregonnagetit #CCTV #wearepeacefulharmlesshumanbeings.

JM DE GUZMAN STATEMENT

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ang Star Magic, ang namamahala sa karera ng aktor, tungkol sa isyu.

Ngayong araw ng Sabado, September 21, nagpadala ang Star Magic ng statement galing sa legal counsel ng aktor na sina Atty. Louie Aseoche at Atty. Juan Paolo Tumbali.

Ayon sa statement, ang frustrated murder complaint ay "rehash" ng naunang physical injuries complaint na inihabla sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City at inurong noong nakaraang August 8, 2019.

Narito ang kabuuang statement ni JM, na ipinadala ng kanyang mga abugado sa PEP.ph (published as is):

"On behalf of JM de Guzman, we would like to inform everyone that there are reports circulating that a certain Pitt Norman Zafra has recently filed a complaint for 'Frustrated Murder' against JM and another individual at the Office of the City Prosecutor in Quezon City.

"The Complaint-Affidavit of Mr. Zafra is actually a rehash of a previous complaint he filed for 'Physical Injuries' which he withdrew before the City Prosecutor Office in Quezon City on August 8, 2019.

"JM is surprised why Mr. Zafra would now want him to answer for a more serious charge under the same set of factual circumstances as the complaint that he withdrew last month.

"We believe that the proper venue where facts can be distiled from fiction would be before the Investigating Prosecutor in Quezon City, not in media.

"Since Mr. Zafra had already filed his complaint, it is most unfair of Mr. Zafra to preempt the proceedings by spreading negative publicity against JM when the Investigating Prosecutor of Quezon City still has to conduct a preliminary investigation on the charges.

"We are confident that JM has the necessary evidence, both testimonial and electronic, to prove his innocence.

"JM will most certainly file counter charges against Mr. Zafra."

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ni Mr. Pitt Norman Zafra tungkol sa inilabas na statement ng kampo ni JM.

Read more at https://www.pep.ph

No comments:

Post a Comment