Sunday, February 23, 2020

Vice Ganda tags Ivana Alawi as a 'loser'

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Celebrity YouTuber Ivana Alawi has buzzed the online community with her upcoming guesting at Vice Ganda's late-night comedy talk show, Gandang Gabi Vice.

It can be recalled that Ivana recently became a Kapamily after signing a contract with ABS-CBN earlier this month on February 7.

Friday, February 21, 2020

Mommy Divine, Matteo, Sarah trend on Twitter; netizens react to "secret wedding of the year"

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Trending sa Twitter ngayong February 21, Biyernes, ang mga pangalan ng mga taong sangkot sa tinaguriang "secret wedding of the year."

Ito ay sina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, at ang ina ng singer-actress na si Divine Geronimo o mas kilala sa showbiz circles bilang Mommy Divine.


Ilan sa mga naging trending topics sa Twitter ay ang mga sumusunod: "Mommy Divine," "Sarah," "Divine Intervention," #AshMatt," Mrs. Guidicelli," at "Matteo."

Dahil kasal na siya kay Matteo, kikilanin na rin ngayon si Sarah bilang Mrs. Guidicelli.

Read more at pep.ph

Matteo Guidicelli denies blotter report that he punched Sarah Geronimo's bodyguard

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!


"Wala akong sinuntok."
Pinasinungalingan ni Matteo Guidicelli ang kumalat na blotter report na nagsasabing sinuntok niya diumano ang bodyguard ni Sarah Geronimo.
Base ito sa ulat ng entertainment reporter na si Mario Dumaual sa TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN, nitong Biyernes, February 21.
Ayon pa sa report, nagpasalamat daw si Matteo sa lahat ng well-wishers nila ni Sarah.
Pero tumanggi ang aktor na magpaliwanag kung anuman ang naging mitsa ng pagpapa-blotter sa kanya ng bodyguard ni Sarah.
Hindi rin nagdetalye si Matteo tungkol sa kasal nila ni Sarah.
Ginanap ang civil wedding nina Sarah at Matteo sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Huwebes ng gabi, February 20.
Ginanap ang reception sa isang restaurant sa parehong hotel.
Biyernes ng hapon, February 21, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nabahiran ng kontrobersiya ang masayang pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo.
Diumano, nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ni Matteo at ng bodyguard ni Sarah na kinilalang si Jerry Cortes Tamara.
THE BLOTTER REPORT

Nakakuha ang PEP.ph ng kopya ng blotter report na isinumite ni Tamara sa Taguig police station bandang 3:37 a.m. ng Biyernes, February 21.
Sabi rito, sa gitna ng pagdiriwang ng pribadong kasalan nina Sarah at Matteo ay hindi inaasahang dumating ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, o kilala sa showbiz bilang Mommy Divine.
Lumalabas na hindi imbitado si Mommy Divine sa okasyon, at nais daw sana nitong sandaling makausap ang anak.
Hindi malinaw kung nagkaharap ba sina Sarah at Mommy Divine.
Pero ayon sa blotter, kinumpronta ni Matteo si Tamara at sinapok ito sa bandang leeg.
Pinaghinalaan diumano ng aktor ang bodyguard na ito ang nagsabi kay Mommy Divine tungkol sa lihim na pag-iisang dibdib nila ni Sarah.
Hindi naman pormal na nagsampa ng reklamo si Tamara laban kay Matteo.
#SarahMatteoWedding

Read more at pep.ph

Makeup artist of Sarah Geronimo posts viral video of an alleged wedding reception

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

- Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli finally tied the knot on February 20, 2020

- The wedding was so intimate and no other important information was disclosed to the public


- However, the makeup artist of the actress posted a video that immediately went viral online

- Many netizens speculated that the video showed the “wedding reception” of the showbiz couple

Watch video at kami.ph

Thursday, February 13, 2020

Frankie Pangilinan answers netizens who criticized her for being rich

SUPPORT THIS WEBSITE BY SIGNING UP HERE IT'S FREE!!!

Hindi inasahan ni Frankie Pangilinan, 19, na makatatanggap siya ng pambabatikos dahil sa simpleng paghanga niya sa pagkapanalo ng Korean film na Parasite bilang Best Picture sa Oscars 2020.


Itinuturing itong historical win dahil first time sa 92 years ng Academy Awards na isang Asian at non-English film ang nakatanggap ng pinakamataas na karangalan sa isang prestihiyosong U.S.-based award-giving body.

Tinalo ng Parasite sa Best Picture category ang Hollywood films na Joker, The Irishman, Once Upon A Time in Hollywood, Marriage Story, Little Women, Ford v Ferrari, at Jojo Rabbit.

Bukod sa Best Picture, nanalo rin ang Parasite sa tatlo pang kategorya: Best Director, Best Original Screenplay, at Best International Feature Film.

Ani Frankie, malaking ambag ito sa pagsulong ng galing ng mga Asyano sa mundo kunsaan nangingibabaw ang "colonial mentality/western idealization."

Si Frankie ay panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta sa second husband nitong si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Tweet ni Frankie: "THIS IS FOR THE ASIAN KIDS WHO CAN GROW UP WITHOUT THJNKING THEY HAVE TO WHITEWASH THEMSELVES SOMEHOW.

"THIS IS THE VALIDATION WE DIDNT NEED BUT ALSO SADLY DESPERATELY WANTED.

"THIS IS A WIN."

May ilang netizens ang kumontra sa opinyon ni Frankie.

Isa rito ang diretsahang tumabla kay Frankie.

Ayon sa netizen, wala raw sa posisyon ang anak ng Megastar na magsalita tungkol sa isyu ng diskriminasyon, partikular na sa mga taong nagigipit, dahil sa kanyang estado sa buhay.

Ang tema kasing tinalakay sa Parasite ay tungkol sa malaking gap sa pagitan ng mga mayayaman at mga nasa laylayan.

Ano raw ba ang alam ni Frankie sa hirap gayong laki ito sa yaman?

Sabi ng netizen (published as is): "coming from you??

"kung tutuusin kung may comparison, yung pamilya na mayaman sa parasite parang kayo din ng pamilya mo.

"so ano punto? hahahahah"

MORE THAN JUST A RICH KID

Dinepensahan ni Frankie ang sarili laban sa batikos ng netizen.

Hindi raw porket galing siya sa marangyang pamilya ay bulag siya sa mga problema sa lipunan.

Pahayag ni Frankie (published as is): "bold of u to assume i wouldn’t stab myself first in this crippling guilt over something i had no control over and cannot change tho

"look the guilt eats away at me everyday and i cant do anything about it rn but i do know it’s pushing me and i promise i’m working hard and doing my best to make myself not be a waste of the advantages i was born into.

"i don’t know how to apologize for that. but sorry anyway."


Isa pang netizen ang nagtanong kung naiintindihan ba talaga ni Frankie ang hirap na pinagdadaanan ng mga nasa laylayan, gayong sa ibang bansa raw naninirahan ang dalaga.

Kasalukuyan nakabase sa New York si Frankie para mag-aral ng kolehiyo.

Sabi ng netizen (published as is): "however you also said 'grow up thinking they have to whitewash'...

"but you're literally studying in new york...

"but anyway i still think you're cool, keep being self aware"

Sagot ni Frankie, aminado siya sa marangyang buhay na tinatamasa niya gawa ng kinagisnang pamilya.

Pero pinili raw niyang mag-aral sa ibang bansa para matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.

"i regret not being home every single day psad face] i know studying in ny reeks if privilege but the truth is me studying back home would've just likewise kept me in a bubble of advantage.

"here im alone.

"lots of growth happening that wouldn't have otherwise happened."

Read more at: pep.ph